-- Advertisements --

Nasa 7 kato na ang nasawi matapos ang pananalasa ng malakas na pag-ulan at bagyo sa France, Switzerland at Italy.

Ang mga tatlong biktima na nasa edad 80 ay nasawi sa Aube region sa France matapos madaganan ng natumbang punong kahoy ang kanilang sasakyan habang sa Switzerland ay apat na ang nasawi.

May ilang naiulat na nawawala na patuloy na nagsasagawa ng search and rescue ang mga otoridad.

Naging balakid pa sa mga rescuers ang sama ng panahon kung saan hirap ang mga ito na hanapin ang mga naiulat na nawawala.

Maraming residente na rin ang pinalikas dahil sa inaasahan pa ang pananalasa ng nasabing sama ng panahon sa mga susunod na araw.