-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang naganap na car bombing sa northern Syria.

Maraming mga sugatan din na itinakbo sa pagamutan dahil sa bombing na naganap sa bayan ng Azaz ng Aleppo province.

Naganap ang insidente sa palengke kung saan maraming mga tao ang bumibili ng damit para sa Eid al-Fitr o ang pagtatapos na Ramadan.

Wala pang grupong umako sa nasabing pag-atake.