-- Advertisements --

Inaalam pa ng mga otoridad sa Indonesia ang pinag-ugatan ng pagkasunog ng isang ferry na may kargang mga pasahero malapit sa Sulawesi island na ikinasawi ng pitong katao kabilang na ang dalawang bata.

Bago ito, patungo sana ang nasabing ferry sa isang isla sa Central Sulawesi nang masunog ito ilang sandali matapos ang hatinggabi.

Ayon kay local police spokesman Harry Goldenhard, bigla na lamang umanong sumiklab ang makina ng barko at mabilis na kumalat ang apoy sa ibang bahagi ng vessel.

Tingin ng pulisya, posibleng nagkaroon ng sunog matapos na sumabog ang diesel tank.

Iniimbestigahan din sa kasalukuyan kung ilan ang eksaktong sakay ng ferry bago mangyari ang trahedya.

Base sa manifesto, 50 ang naitalang pasahero ngunit 61 ang nailigtas ng mga rescuers at mga lokal na residente.

Naglunsad na rin ng search operation sa apat pang nawawalang mga pasahero. (AFP)