-- Advertisements --

Patay ang pitong katao dahil sa pagbagsak ng Nigerian air force passenger plane.

Ang Beechcradft King Air 350i ay patungo sana sa Minna na may layong 110 kilometers ng northwest Nigeria ng ito ay bumagsak.

Pabalik na sana ang nasabing eroplano ng mangyari ang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay nagkaroon ng pagkasira sa makina kaya bumagsak ang eroplano.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.