-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang pagbagsak ng eroplanong kanilang sinasakyan sa Peru.

Patungo ang mga biktima sa sikat na Nazca lines ng bumagsak ang nasabing eroplano.

Pag-aari ng Aerosantos tourism company ang eroplano na pagka-take off nito sa Maria Reiche airport sa Nazca ay agad na bumagsak ito.

Walang naitalang nakaligtas kung saan ang mga biktima ay kinabibilangan ng limang pasahero at dalawang crew.