-- Advertisements --

Nasa pitong katao ang nasawi matapos na bumigay ang bahagi ng bundok sa lawa ng Minas Gerais, Brazil.

Itinakbo naman sa pagamutan ang 32 na iba pang mga nakaligtas sa aksidente.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, bigla na lamang nahulog ang mga malalaking tipak ng bato mula sa bundok.

Nagbunsod ang nasabing pagtanggal ng mga bato dahil sa walang humpay na pag-ulan sa nasabing lugar.