-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang naganap na pagsabog sa planta ng mga gamot sa India.

Ayon sa mga otoridad na mayroong mahigit 30 katao ang sugatan sa pagsabog sa pharmaceutical manufacturing plant sa Andhra Pradesh state, India.

Mahigit 10 mga bumbero ang nagresponde sa lugar para agad na maapula ang apoy.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad kung paano nagsimula ang nasabing pagsabog.