-- Advertisements --

Nasa pitong katao ang patay habang mahigit 120 katao ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang religious school sa Peshawar City sa Pakistan.

Sinabi ni Lady Reading Hospital spokesman Mohammad Asim, kabilang sa mga nasugatan ay mga kabataan.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang pagsabog ilang oras bago simulan ang mga pagtuturo.

Ayon kay Peshar Police Chief Mohammad Ali Gandapur, na isang uri ng improvised explosive device na may bigat mula lima hanggang anim na kilo.

Inilagay sa bag at iniwan sa Jamia Zubairia madrassa seminary.

Nagpaabot naman ng pakikiasimpatiya si Pakistan Prime Minister Imran Khan sa nasabing insidente.