-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang missile strike ng Russia sa Dnipropetrovsk region ng Ukraine.

Maraming kabahayan at mga establishimento ang nasira sa Synelnykove at Dnipro city.

Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang bata.

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa ilang mga biktima na maaaring natabunan ng mga gumuhong gusali.

Sinabi ni Ukrainian President President Volodymyr Zelensky na dahil sa pag-atake ay mahalagan magkaroon talaga sila ng advance air defense.

Ito rin aniya ang unang pagkakataon na napagbagsak ng Ukraine ang strategic long range bomber ng Russia.