-- Advertisements --
Egypt maps

Aabot sa pitong katao ang patay sa pag-atake ng suicide bomber sa North Sinai, Egypt.

Ayon sa Interior ministry, kabilang sa nasawi ang apat na security forces ng Egypt.

Isang batang suicide bomber na may edad 15 pababa ang nagpasabog sa sarili sa palengke malapit sa police station sa bayan ng Sheikh Zuweid.

Bukod sa nasawi ay aabot din sa 26 ang nasugatan sa insidente.

Inako naman ng grupong ISIS ang nasabing insidente at pinuri pa nag batang gumawa nito.