-- Advertisements --
Nasa pitong katao na ang patay habang ilang libong kabahayan na ang nasira sa nagaganap na wildfire sa West Coast sa US.
Tatlo sa mga biktima ay mula sa Northern California habang ang iba naman ay sa Oregon.
Nagkukumahog ang 3,000 na bumbero para tuluyang apulahin ang 100 major wildfire sa Oregon.
Nagsagawa na rin ng search and rescue team sa Eastern Salem sa Oregon para tuluyang ilikas ang mga residente doon na apektado ng sunog.
Mabilis na kumalat ang nasabing sunog dahil sa lakas ng hangin na mayroong bilis na 80 kilometers per hour.
Ayon naman kay Oregon Governor Kate Brown na nahaharap sila sa matinding hamon dahil sa maraming mga ari-arian na ang natupok na ng apoy.