ROXAS CITY – Sumailalim sa self-quarantine ang pitong kasapi ng Philppine Coastguard (PCG) matapos naka close contact ang isa nilang kasamahan na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa interview ng Bombo Radyo kay Lieutenant Commander Edison Diaz, Station Commander ng PCG-Capiz na tatlong PCG personnel sa Pilar Substation ang nag-self quarantine at hindi pinahintulutang makalabas ng station.
Nasa mabuting kalagayan ang tatlo at walang naramdaman na flu like symptoms ng COVID-19.
Nag-self quarantine rin ang apat na mga personnel ng PCG-Culasi station, dahil sila mismo ang nagdala sa biktima sa ospital.
Samantala, maligayang ibinalita ni Diaz ang pagbuti ng sitwasyon ng PCG-member na nagpositibo sa COVID-19 na ngayon ay confine sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.
Matandaan na kasapi ng PCG ang isa sa apat na nagpositibo sa COVID-19 dito sa lalawigan ng Capiz.