Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang 7 Pilipino na kabilang sa mga naaresto may kinalaman sa cyber scam sa Laos.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na inaasikaso na rin nila ang repatriation ng 75 pa na mga Pilipino.
Sa ngayon, tinutugunan na ng ahensiya ang 129 na humiling ng tulong.
Ayon sa DFA, 2 opisyal mula sa Office of the Undersecratry for Migration Affairs ang nasa Laos na para tulungan ang mga kababayan nating Pilipino doon.
Una rito, naaresto ng mga awtoridad sa Laos ang halos 800 katao na nagtratrabaho sa cyber scam network sa Golden Triangle special economic zone sa border ng Myanmar at Thailand kung saan may mga casino at hotel na pagmamay-ari ng Chinese ang pinaghihinalaang ginagamit na hub para sa mga ilegal na aktibidad mula pa sa mga nakalipas na taon.