-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nasa pitong pilipino na nagtatrabaho sa isang pribadong klinika sa Rome, Italy, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Demetrio Bong Rafanan sa Rome, sinabi niya na dalawa sa mga Pilipino ay nasa ospital na, habang ang apat ay nasa isang struttura at ang isa ay ililipat pa lamang.

Sinabi ni Rafanan na sumailalim ang mga ito sa COVID-19 test matapos na dalawang Pilipina na kasama rin nila sa trabaho ang una nang nagpositibo.

Sa ngayon, umabot na aniya sa 27 ang Pilipinong naapektuhan ng nakakamatay na virus sa Roma at tatlo na rito ang namatay.