Nagdonate ng dugo para sa mga pasyenteng kritikal sa Covid-19 ang 17 Police trainees mula sa Regional Special Training Unit (RSTU) 3.
Ayon kay PNP Training Service Director BGen. Alex Sintin ang mga nag-donate ng dugo para sa convalescent plasma therapy ay mga miyembro ng Public Safety Field Training Program (PSFTP) naka-recover mula sa Covid 19.
Ang inisyatibo ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Regional Special Training Unit (RSTU) 3 Advisory Council, Philippine Red Cross, National Action Plan Against COVID-19, at Clark Development Corporation.
Unang nakakolekta ng anim na bag o tatlong litro ng plasma mula sa anim na police trainee noong July 29 at 30 sa Jose B. Lingad Hospital sa San Fernando City.
Sinundan ito ng 11 bag o 5.4 litro ng convalescent plasma na nakolekta mula sa 11 police trainees sa Philippine Red Cross-National Headquarters sa Port Area, Manila noong August 4 at 5.
Ayon sa mga eksperto, ang plasma mula sa mga nakarekober sa Covid 19 ay napatunayang nakakapagpahusay ng kalagayan ng mga kritikal na pasyente.