-- Advertisements --

Pitong probinsiya ang tinukoy ngayon ng OCTA Research group na “areas of concern” dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng mga Isabela, Cagayan, Iloilo, Misamis Oriental, Davao del Sur, South Cotabato at Camarines Sur.

Sa nabanggit na mga probinsiya ang Isabela ang nagtala ng highest seven-day growth rate na 149 percent.

Sinundan ito ng Cagayan na mayroong 118 percent.

Tinukoy din ng grupo ang Camarines Sur na mayroong positivity rate na 73 at Palawan na mayroong 53 percent.

Base kasi sa pag-aaral ng OCTA Research na mula Mayo 24-30 ay tumaas ng 22 percent ang average ng mga bagong kaso ng bansa.