Apektado ng red tide ang ilang mga baybayin sa pitong probinsya sa buong bansa.
Batay sa report na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatice Resources, positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga sumusunod:
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Naidagdag sa listahan ngayon ng BFAR ang coastal waters ng Biliran Island sa Biliran Province.
Paalala ng BFAR, ang lahat ng shelfish at alamang na nakokolekta sa mga ito ay hindi ligtas kainin. Gayunpaman, ang mga isda, pusit, hipon, at mga alimango na nahuhuli at nakokolekta sa mga ito ay maaari pa ring lutuin at kainin basta’t malinis at maluto ng maayos.