-- Advertisements --

Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone signal number one dahil sa bagyong Ramon.

Kabilang sa mga ito ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 385 km sa silangan hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 450 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.

Dahil sa paglakas, inilagay na ito sa tropical storm category.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Kung magpapatuloy sa kaniyang direksyon, asahang magla-landfall ito sa Northern Luzon sa darating na weekend.