Pinasisibak na sa serbisyo ang pitong Antipolo pulis na sangkot sa maanomalyang Rizal drug operations noong Mayo 4.
Ito’y matapos hatulan ng guilty ang mga nasabing pulis ng PNP-Internal Affairs Service (IAS).
Dahil guilty ang hatol, inirekumenda ng IAS na sibakin na ang mga ito sa serbisyo.
Ang mga nasabing pulis ay sina PMSgt. Donald Roque, PMSgt. Rommel Vital, PSSGt. Stephen Domingo, PCpl. Romeo Guerrero Jr., Patrolman Lester Velasco at Patrolman Eduardo Soriano II.
Kasong grave misconduct, neglect of duty at conduct unbedoming of a police officer.
Sinibak din sa pwesto ang kanilang hepe na si PLt. Col. Jovel de Guzman dahil sa command responsibility.
Nakatakdang isusumite ng IAS kay PNP OIC Lt Gen. Archie Gamboa ang nasabing rekumendasyon na siyang magbibigay ng final decision.
Sinabi De Guzman, Roque, Vital, Guerrero ay kasama sa 13 ninja cops na nag operate sa maanomalyang Pampanga drug raid noong 2013.