Kusang sumuko na sa mga awtoridad ang 7 Philippine National Police (PNP) personnel na mayroong standing arrest warrant para sa 2 bilang ng murder o pagpatay sa unang bahagi ng buwan ng Pebrero.
Ayon sa PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), sumuko ang mga akusadong pulis sa magkakahiwalay na petsa at lokasyon mula Pebrero 8 hanggang 13 ng kasalukuyang taon.
Noong Pebrero 3, sinabi ng IMEG na sumuko sa IMEG’s office sa Sitio Boted, Barangay Tawang, La Trinidad, Benguet si Staff Sergeant Quill Carame Bay-an na napaulat na nag-AWOL.
Habang ang 3 pulis ay sumuko noong Pebrero 11, 2 dito ay sa Pampanga na sina Chief Master Sergeant Joseph Chumawar Jr. na sumuko sa Mabalacat City Police Station, habang si Chief Master Sergeant Israel Culangan Lucob naman ay sa Angeles City Police Station sa Bayanihan Terminal.
Samantala, sumuko naman si Police Captain Justin Dumaguing Anogue sa mga operatiba ng IMEG-Counter Intelligence Division sa Camp Crame.
Ang natitirang 3 pulis naman na sina Police Captains Guilbert Asuncion, Orlandop Rosales Jr. at Master Sergeant Dante Baloran na mga miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) ay sumuko sa IMEG noong Pebrero 13.
Una rito, nag-ugat ang pag-isyu ng warrant of arrest laban sa 7 pulis dahil sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng personnel ng Rapid Deployment Battalion, kasama ang SAF at umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Lagyo, Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal, noong 2010, na nag-resulta sa pagkamatay ng 2 umanong miyembro ng NPA.
Kasalukuyan nakadetine ang mga sumukong pulis sa IMEG Custodial Facility, Camp Crame sa Quezon City,