-- Advertisements --

Sumuko na ang pitong pulis na sangkot sa pangongotong sa isang indibidwal na nagkakahalaga ng P100,000.00.

Ayon kay PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) Commander SSupt. Jose Chiquito Malayo na bandang alas-6:30 ng gabi kahapon sumuko ang pitong pulis na suspek sa pangingikil sa mismong chief of police ng Navotas.

Agad namang tinurn-over ng Navotas PNP ang pitong pulis sa CITF sa Kampo Crame para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Kinilala ni Malayo ang pitong pulis na sina: PO1 Alojacin, Emmanuel Benedict Gernato; PO1 Mones, Mark Ryan Bernales; PO2 Barcaboc, Jonnel Valencia; PO3 Loria, Kenneth Baure; PO1 Bondoc, Christian Paul Ramos; PO1 Etcubanas, Jack Rennert Nodalo at PO2 Pacinio, Jessrald Zapar.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni Malayo na na-iturn over na rin ang biktima na si Mark Echepare sa kaniyang pamilya.

Magugunita, nag ugat ang reklamo matapos dukutin ang biktima na si Mark ng mga hindi nakikilalang indibidwal pero nagpakilalang mga pulis dahil sa paglabag ng biktima sa RA 9165.

Gamit ang telepono ng mga arrestee humingi ng P100,000 sa mga kamag-anak ng biktima kapalit ng kalayaan nito.

Nuong mismong araw bandang alas-3:00 ng hapon nagsampa ng reklamo ang nanay ni Mark sa CITF at dito na ikinasa ang posibleng entrapment operation.