BUTUAN CITY – Tuluyan nang sinibak sa puwesto ni Brigadier General Romeo Caramat Jr., regional director ng Police Regional office o PRO-13, ang 7 mga pulis na nauugnay sa robbery in band noong Enero 2022 sa Agusan Del Sur.
Base sa ipinalabas na Special Order sa Police Regional Office 13 na pinirmahan ni Colonel Dennis Sirruno, chief sa Regional Personnel and Records R1, tinanggal sa serbisyu simula noong Marso 30, 2022 ang mga sakop sa Intelligence Branch ng Agusan del Sur Provincial Police Office na kinabibilangan nila Lt. Colonel Jared Charles Joaquin, PSms Ronald Laro, PSsg Lolito Valdez, PSsg Richard Ayala, PSsg Darryll John Mozo, Pat Sebastian Batausa sa Agusan Sur Mobile Force, Pat Ivan Klein Osorio sa Agusan Sur Mobile Force.
Ang nasabing mga pulis ay inakusahan ng isang Jasper Pabilic, negosyante sa Lapnisan na nauugnay sa robbery in band, nang hinuli ang negosyante sa loob ng isang simbahan sa Trento, Agusan del Sur.
Sinibak ang mga ito matapos napatunayang guilty sa kasong grave misconduct, grave neglect of duty, grave irregularity in the performance of their duty at unbecoming of a police office na docketed sa Regional Internal Affairs Service RIAS13 NMP 2022 001.
Maliban sa pagkakatanggal, hindi na rin pwedeng magtrabaho sa gobyerno at ang forfeiture sa kanilang benipisyo.