-- Advertisements --
Labis na pagpapahirap umano mula sa kamay ng mga pulis ang naranasan ng pitong Russian nationals dahil sa kanilang relihiyosong paniniwala.
Una rito ipinagbawal ng Russian Supreme Court noong 2017 ang daan-daang Jehovah’s Witnesses sa kanilang bansa.
Una nang itinanggi ng Surgut officials ang nasabing pag-torture ngunit sa kabila nito ay magsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon dito.
Samantala, tinawag namang ”walang kwenta” ni President Vladimir Putin ang prosecution ng Jehovah’s Witness at tinanong ang Russian Supreme Court upang magbigay linaw sa tamang aksyon na dapat nilang gawin. (with report from Bombo Sol Marquez)