Umaasa pa rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroon pang buhay sa mga nawawalang indibidwal matapos ang malakas na lindol noong Lunes sa Porac, Pampanga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, sinabi nitong pito na lamang ang kasalukuyang hinahanap na nawawala na sinasabing kasama sa natabunan sa Chuzon Supermarket sa naturang probinsiya.
Aniya, ang pitong nakasama sa listahan ng mga nawawala ay ligtas na natagpuan.
Sa ngayon, nasa 18 na raw ang namatay sa buong central Luzon habang nasa 242 naman ang mga sugatan.
Patuloy pa rin naman ang isinasagawang search rescue and retrieval operations ng mga otoridad sa gumuhong supermarket para makita kung mayroon pang mga biktima sa loob nito.