CEBU – Inalagaan ng pulisya at mga guro ng Carcar Central National High School ang mga estudyante na napaulat na sinapian bandang alas-7 ng gabi, Biyernes, Setyembre 23, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ardiolito Cabagnot, ang hepe ng Carcar Police Station, base sa tawag na kanilang natanggap mula sa paaralan, sa pag-iimbestiga ng kanilang mga pulis , napaulat at napag-alaman na sinapian ang mga estudyante.
Dagdag pa ni Cabagnot na hindi nila naiintindihan ang mga wika ng mga bata dahil tila Latin ang binibigkas nito, hindi pangkaraniwan ang taglay na ng mga bata , makikita rin na wala sa kanilang sarili dahil hindi nila nakikilala ang kanilang mga kamag-anak.
Kaya naman tumawag sila ng faith healer at dinala ang mga ito sa ospital at pinapunta ang isang kaibigang pare mula sa Carcar na expert sa exorcism at ipinagdasal ang mga ito.
Sa kasalukuyan, nasa mabuting kalagayan na ang mga batang napaulat na sinaniban ng mga masamang espiritu.
Sa kabuo-an na sa 27 estudyante pero 7 sa kanila ang nagpakita ng senyales na sinaniban ng masasamang espiritu.
Samantalang sa pahayag ng physician ay hindi ito naniniwal na sinaniban ang mga ito bagkos ay nalipas lang ito ng gutom.