-- Advertisements --

ILOILO CITY – Napatunayang hindi nagpaputok ng armas ang pito sa siyam na mga napatay matapos manlaban umano sa mga otoridad ng sinilbihan ng search warrant sa Brgy. Roosevelt at Lahug Tapaz, Capiz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Col. Enrique Ancheta, chief ng Western Visayas Regional Crime Laboratory, isinailalim sa paraffin testing ang bangkay ng mga biktima upang malaban kung may gun powder residue ang kanilang mga kamay.

Dito ay nagnegatibo ang mga napaslang sa parrafin test.

Napag-alaman na naging kontrobersyal ang nasabing operasyon na pinangunahan sang Criminal Investigation and Detection Group kung saan siyam ang napatay at daan daan ang sumuko sa mga otoridad.