-- Advertisements --
Sugatan ang pitong katao matapos na tamaan ng turbulence ang United Airlnes.
Dahil sa pangyayari ay napilitang mag-emergency landing sa Memphis ang Boeing 737 na pampasaherong eroplano.
Galing sa Chicago at patungo sana sa Cancún, Mexico ang eroplano ng mangyari ang insidente.
Ayon sa Federal Aviation Administration, na unang naiulat na nakaramdam na sila ng turbulence habang sila ay nasa Louisiana.
Dinala na agad sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.