-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patuloy na nagpapagaling ang pitong katao matapos masangkot sa nangyaring aksidente sa bahagi ng Makilala, North Cotabato.

Kabilang sa mga biktima ay isang menor de edad.

Nangyari ang insidente sa bahagi ng Brgy Poblacion sa naturang bayan kung saan ayon sa imbestigasyon ng Makilala PNP, nagbanggaan ang itim na Toyota at Nissan Navarra sa kurbada ng naturang lugar.

Lumalabas na nabangga ng Navara na minamaneho ni Ruel Serrano na residente ng Kidapawan City ang Toyota pick-up truck.

Kaagad isinugod sa ospital at nagpapagaling na ang mga sugatang biktima na kinilalang sina Mojahid Magayan, isang government employee na siyang driver ng Toyota pickup; at mga pasahero nitong sina Anisa Magayan, Nassiba Botawan, Noriama Sarip, Rainida Gapor at isang menor de edad, na pawang mga residente ng Brgy. Poblacion, Pikit, North Cotabato.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Makilala PNP ang naturang aksidente.