-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring pamamaril sa isang house party malapit sa Ball State University sa Indiana nitong Sabado.

Sa nasabing shooting incident na naganap bandang alas-12:45 ng umaga (local time), pitong katao ang sugatan kung saan tatlo rito ang nasa kritikal na kondisyon.

Sinabi ni Muncie Police Chief Joe Winkle, kabilang umano sa mga dumalo sa party ang mga estudyante mula sa Ball State at iba pang mga indibidwal na hindi konektado sa paaralan.

Sa pito rin aniyang sugatan, isa lamang ang estudyante, na nagkataon pa raw na naninirahan sa bahay kung saan nangyari ang insidente.

“It was a party with a DJ,” wika ni Winkle. “Evidently there was some kind of a confrontation inside the house. It turned into a shooting, (and) we’ve got seven gunshot victims.”

Ayon naman kay Kathy Wolf, vice president for marketing and communications ng Ball State, wala raw banta sa campus ang pangyayari.

“Our campus is safe. The investigation is still ongoing,” ani Wolf. (CNN)