-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang pitong sundalo matapos bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa Sitio Naigit, Brgy. Bolunay, Impasug-ong, Bukidnon kaninang hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Maj. Rodulfo Cordero Jr., spokesperson ng 4th Infantry Division ng Philippine Armt, maghahatid sana ng military supply ang mga biktima – tatlo mula sa Army habang apat sa Philippine Air Force – nang makaranas ng mechanical problem ang UH-1H No. 517 chopper, dahilan upang bumagsak ito sa nasabing lugar.

Inihayag ni Cordero na hindi nakaligtas ang lahat ng sakay na mga sundalo nang tuluyang bumulusok ang nabanggit na chopper.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Lt. Col. Arnie Arroyo, pilot-in-command; 2Lt. Mark Anthony Caabay, co-pilot; Air Force SSgt. Mervin Bersabi, gunner; A1C Stephen Argarrado; Army Sgt. Julius Salvador, CAA Jerry Ayukdo; habang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.

Sa ngayon, nasa bisinidad ng crash site ang tropa ng 8th Infantry Battalion, Philippine Army upang ma-retrieve ang mga bangkay, na dadalhin sa headquarters ng 4ID sa Cagayan de Oro City.