-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Arestado ang pitong suspek matapos mang lambat ng mga pangkarerang kalapati sa Brgy. Basicao Coastal Pioduran, Albay.

Kinilala ang mga akusado na sila, Adrian Marco, 23; Remark David, 23; Mark Carlo Suarez, 27; Albert de Luna, 35; Ronnie David, 21; Daniel Antonio, 28; at Mary Jun Alpapara 23; habang ang biktima ay si Christian Romero, 28, isang pigeons fancier at representative ng Bicol Pigeon Racing Club (BIRPC).

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Dexter Nabol, hepe ng Pioduran PNP, sinabi nito na agad na ipinagbigay alam ng biktima sa himpilan ng pulisya ng ma-monitor nila na ang mga suspek na naglalagay ng mga trap na fishing net sa nasabing lugar para manghuli ng mga racing pigeons.

Ayon kay Nabol, agad na rumesponde ang kanilang mga tauhan na nagresulta sa pagkakadakip sa akto ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa 35 piraso ng mga kalapati na may halagang higit kumulang P58,000 at tatlong sets ng fishing net na nagkakahalaga ng nasa P6,000.

Nanggaling aniya sa Metro Manila ang mga high breed na kalapati at dinala sa lugar para doon simulan ang karera ng nasa 1,000 mga kalapati papuntang Maynila.

Samantala, nasa kustodiya na ng Pioduran Municipal Police Station ang mga akusado para sa karampatang disposiyon.