GENERAL SANTOS CITY – Nahaharap sa cigarette smuggling ang pitong tao na nahuli sa entrapment operation kagabi sa pinag-isang pwersa ng Pulisya.
Ayon kay Gensan City Police Director Col. Edilberto Tuson na nakuha mula sa mga suspek ang 84 cartoon ng Gudang Baro isang wing van at mini van.
Nakorner umano ang pito sa isang bahay sa VSM subdivision sa Lagao nitong lungsod matapos nabilhan ng 10 rim ng imported cigarettes kapalit sa P5,000 .
Nang pinasok ang bahay tumambad ang karton karton na sigarilyo.
Ayon kay Tuzon bawat cartoon may 80 rim habang bawat rim naman may sampung pakete.
Nagkahalaga umano ang isang rim ng P2,352.00 .
Bantay sarado naman sa Lagao Police station ang pito na sina Alraif Amilasan 30, Morvin Kulayan 36, Normin Paddam 34 , Jehar Malo 19, Burgo Matanog 25, Michael Aman 33 at Jerry Sampulna 38 pawang mga residente ng Zamboangga City.
Kinumpiska din ng mga otoridad ang isang puting wing van na may plate number DCS 459 at mini van na may plate number MNL 7071 na ginamit sa pagkarga ng nasabing mga smuggled cigarettes.