-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kasalukuyang naka-quarantine ngayon si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. matapos nagpositibo ang kaniyang 7 taong gulang na anak sa covid-19 virus.

Batay sa kaniyang social media account, na bilang ama ay sasamahan nito sa isolation facility ang kaniyang anak sa loob ng 14 araw hanggang sa tuluyan umano itong gumaling.

Habang lumabas namang negatibo ang resulta sa isinagawang swab test sa kaniya at kaniyang asawa mula sa nasabing sakit.

Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing ang mga health officials upang matukoy ang mga posibleng nakahalubilo ng kaniyang anak upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19 virus.

Napag-alaman na dahil sa naturang pangyayari, hindi natuloy ang State of the Provincial Address (SOPA) ni Gov. Tamayo.

Sa kabilang banda, pansamantalang isinara ng Tupi LGU sa pamumuno ng pinsan nito na si Mayor Romeo Tamayo ang mga Christmas decorations sa kanilang municipal hall matapos nakapagtala ng 10 panibagong kaso ang bayan.

Nabatid na umakyat na sa halos 5,000 ang naitalang kaso sa rehiyon kung saan 978 dito ay galing sa South Cotabato.