-- Advertisements --

ROXAS CITY – Ideneklarang patay sa Tapaz District Hospital ang pitong taong gulang na batang lalaki, matapos na makuryente sa Barangay Daan Sur, Tapaz, Capiz.

Ang hindi pinangalanan na biktima ay residente din ng nasabing lugar.

Ba-se sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo sa Tapaz Municipal Police Station, naglalakad ang bata sa gilid ng daan ng masagi nito ang putol na kable ng kuryente ng Capiz Electric Cooperative (CAPELCO).

Sinasabing nung Pebrero 26 pa naputol ang kable ng kuryente.

Naniniwala naman ang magulang ng bata na walang ibang dahilan ang pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon, nasa isang punerarya na ang bangkay ng bata.