-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang 7-taong gulang matapos malunod sa isang balon sa Barangay Matnog, Ivisan, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa ina ng biktima, sinabi nitong abala siya sa pagma-manicure at hindi nito alam na naligo pala ang kaniyang anak sa balon kasama ang nakababatang kapatid nito.

Posible umanong nadulas ang bata habang nag-iigib sila ng tubig.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit kaagad rin itong binawian ng buhay.