-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dahil sa pagtaas ng antas ng tubig na dala ng pag-ulan dahil sa Bagyong Ambo ay pitong overflow bridges ang hindi madaanan sa Region 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Michael Conag ng Office of Civil Defense (OCD)-Region 2, kabilang sa mga hindi madaanang tulay ay ang Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, Baculod at, Cabisera 8 overflow bridges sa Ilagan City, Gucab at Annafunan overflow bridges sa bayan ng Echage, Isabela at San Pedro at Manglad overflow bridges sa lalawigan ng Quirino.

Ayon kay Conag, patuloy din nilang binabantayan ang mga pangunahing lansangang papasok at palabas sa Cagayan Valley pangunahin na sa mga landslide-prone areas.

Mayroon na ring relief packs ang nakahandang imapigay sa mga nasa evacuation centers at mga LGUs para sa mga isasailalim sa sa pre-emptive evacuation.

Una rito ay lumikas na ang 24 na pamilya sa Quezon, Nueva Vizcaya dahil sa maaaring bahain ang kanilang lugar.