-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Pitong katao ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Negros Occidental.

Anim ang naaresto sa operasyon ng San Carlos City Police Station sa San Carlos Pension House, Brgy. 4, dakong alas-3:20 nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina Renante Lopez, 42, ng Ledesma Heights, Brgy. Palampas; Carlos Ejercito, 36, ng S. Carmona St, Brgy. 1; Cristita Mamac, 50, ng Locsin Parola, Brgy. 6; Charvie Segovia ng Burgos Parola, Brgy. 6; Mariano Morris, 23, ng Sitio Pamahawan, Brgy. Palampas, San Carlos City.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang pitong sachets ng suspected shabu na may bigat na limang gramo at may Dangerous Drugs Board (DDB) value na P60,000.

Narekober din ang isang notebook at P500 na buy-bust money.

Samantala, nadakip ang dating drug surrenderer sa buy-bust operation ng Pontevedra Municipal Police Station nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek kay Nonoy Jimeno, 20, anyos ng Barangay Uno Poblacion.

Nakuha sa pag-iingat nito ang apat na transparent plastic sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P6,000 at P500 buy-bust money.