Nagpositibo sa coronavirus ang pitong manlalaro ng Women’s National Basketball Association (WNBA).
Ayon sa WNBA, sa kabuuang 137 na manlalaro na sumailalim sa pagsusuri ay 7 dito ang nagpositibo.
Isinagawa ang pagsusuri mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 5.
Ang nasabing pagsasagawa ng coronavirus testing ay bilang bahagi sa nalalapit na pagbubukas ng liga ngayong katapusan ng buwan.
Lahat aniya ng mga nagpositibo ng coronavirus at ay agad na na-isolate.
Nakatakda namang dumating ang 11 sa 12 koponan ng WNBA sa IMG Academy sa Bradenton, Florida na magsisilbing single site para sa training camp, games at housing.
Susunod naman pagkatapos ng limang araw ang Indiana Fever matapos na dalawa sa kanilang miyembro ay nagkatrangkaso kung saan ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention na dapat pagkatapos ng limang araw bago sila makasunod sa lugar.