-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7-taong gulang na bata sa Agusan del Norte.

Batay sa ulat ng Buenavista Municipal Police Station, noong Linggo pa naiulat ang pagkawala ng Grade 2 na biktima matapos lumabas sa bahay ng lola nito.

Nitong Miyerkules nang matagpuan ang patay ng katawan ng menor de edad sa masukal na bahaigi ng Brgy. Manapa.

Kumbinsido ang pulisya na hinalay muna ang biktima bago pinatay ng suspek.