-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inamin na ng suspek na isang 70-anyos na lola na si Nenita Pagatpatan na siya ang pumaslang sa isang kasambahay na si Sheila Lagsaway.

Base sa pahayag na inilabas ng pulisya , nakonsensya umano si Lola Nenita dahil walang alinlangan itong umamin sa nasabing krimen.

Ayon ni DCPO Spokesperson Hazel Tuazon, noong linggo , pinasok ng mga personahe sa SOCO ang bahay ng suspek sa Block 9, Lot 6, Deca Homes, Cabantian,lungsod ng Davao.

Narekober ng SOCO ang 2×3 coco lumber na may haba na isang talampakan na ginamit ni Pagatpatan sa pagpalo nito sa ulo ng biktima, gayundin ang cell phone ng biktima.

Dagdag pa ni Tuazon, ipinaliwanag din ng suspek na hinampas nito ang ulo ng biktima gamit ang kahoy , habang nagdidilig ito ng bulaklak sa kanilang bakuran noong Hunyo 17, 2023.

Matatandaang bandang 6:30 ng umaga, natagpuan ang bangkay ng biktima, hindi kalayuan ng kanilang bahay sa Block 20. , Lot 44, Deca Homes, Cabantian , o 20 metros ang layo galing sa bahay ng suspek, noong Hunyo 18 .

Positibo ring nakilala ang suspek base sa nakuhang CCTV footage sa lugar. Kinasuhan na ng Murder ang 70-anyos na si Lola.

Noong Linggo na iyon, inilibing ang bangkay ni Sheila sa lalawigan ng Don Marcelino Davao Occidental.