-- Advertisements --

Tupok sa sunog ang nasa 70 bahay sa isang residential area sa Barangay Sto. Niño sa Parañaque City kahapaon, Sabado, May 18.

Nasa 130 pamilya rin ang apektado. Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog bandang alas-10 ng gabi.

Umabot daw ang sunog sa fifth alarm bago mag alas -12 ng hating gabi at alas-3 ng madaling araw kanina nadeklara itong under control at naapula bandang 5:30 ng umaga.

Ayon sa BFP-Parañaque, apat ang nasugatan sa insidente.

Sa ngayon, inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at kabuuang pinsala nito. Kasabay nito, pansamantalang nanunuluyan naman ang ilang nasunugan sa kalapit na sports complex.