Inaasahan ng Commission on Elections na makakamit nito ang nasa 70 hanggang 80 percent ng overseas voter turnout para sa 2025 midterm elections sa gaganaping pilot implementation ng internet voting.
Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco kasunod ng naging demonstration ng Online Voting and Counting System.
Aniya, kung sakali’y ito na ang maituturing na pinakamataas na overseas voting na maitatala sa kasaysayan.
Ngunit gayunpaman ay inihayag pa rin ng tagapagsalita na nananatiling mas mababa pa rin ito kumpara sa local voter.
Samantala, kaugnay nito ay umaasa naman ang Comelec na sa pamamagitan ng implementation ng Online Voting and Counting System ay mas mapapataas pa ang overseas voting turnout para sa darating na halalan sa susunod na taon.
Matatandaan na noong taong 2022 ay una nang nakapagtala ang komisyon ng 38% na overseas voter turnout na katumbas lamang ng 600,000 na mga botante mula sa 1.6 million registered overseas voters na bumoto sa nakalipas na eleksyon.