-- Advertisements --
Umaasa si boxing promoter Eddie Hearn na mapupuno ang AT &T Stadium sa Texas kung saan gaganapin ang laban ni Canelo Alvarez at Billy Joe Saunders sa araw ng Linggo.
Sinabi nito na baka aabot sa 70,000 na fans ang manonood dahil hindi sila gaano maghihigpit.
Paliwanag pa ni Hearn na hindi lamang sila ang unang magkakaroon ng mga live audience at walang dapat ikabahala dahil wala namang naitalang hawaan sa mga nagdaang ginanap na mga sporting events.
Mayroong record ang 30-anyos na si Alvarez na 55 panalo, isang talo, dalawang draw na mayroong 37 knockouts habang si Saunders ay mayroong 30 panalo, walang talo at 14 na knockouts.