-- Advertisements --
Aabot sa 70 katao ang sugatan sa ginawang airstrike ng Russia sa mga kabahayan ng Sumy City sa Ukraine.
Ang nasabing atake ay kasabay ng ginagawang pag-uusap ng kinatawan ng Russia at US na ginaganap sa Saudi Arabia.
Sa nasabing airstrike ay nasa 14 mga bata ang kabilang na nasugatan.
Depensa naman ng Russia na gumanti lamang sila sa ginawang drone attack ng Ukraine sa kanilang Belgorod gas distribution station.
Inakusahan pa ng Russia ang Ukraine na tinangka nila umanong atakihin ang Glebovskoye gas condensate field sa Crimea pero naharang ito ng Russian air defense.
Kinumpirma rin ng White House na magkakaroon muli ng pag-uusap ang kinatawan nila at ang Ukraine na gaganapin din ito sa Saudi Arabia.