Napilitang magsara ang 70 manpower agencies nitong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Kabilang kasi ng COVID-19 pandemic protocols ang pagpapahinto ng proseso sa pag-hire ng mga overseas Filipino workers (OFW) kung kaya’t napilitan sila na magsara ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia.
Ayon kay Olalia, lubos na apektado ng pandemya ay ang overseas employment industry.
Aniya, nasa 71 ahensiya ang nag-facilitate ng recruitment at hiring land-based overseas workers ang nagpaplano na maghinto muna ng kanilang operasyon.
Dagdag pa nito, hindi pa nagbigay sa kanila ng notice ang sea-based agencies kung may magsasara na mga ahensiya.
Napag-alaman na ang land-based manpower agencies ay siyang in-charge sa pag-recruit ng mga domestic helpers, factory workers, at iba pang professions operating on land habang ang sea-based manpower agencies ay siyang nag-hire ng mga cruise ship staff at mga seafarers.