-- Advertisements --
Isang katao ang nasawi habang nasa 70 naman ang nawawala kasunod ng pagguho ng lupa sa isang jade mining site sa northern Myanmar.
Nakatakdang magsagawa ng rescue operations sa mga biktima na pinaniniwalaang mga illegal jade miners.
Nangyari ang landslide sa may Hpakant area ng Kachin State ngayong araw.
Ang Myanmar ang pinakamalaking pinagkukunan ng jade sa buong mundo subalit ilang untoward incidents na rin ang naitatala sa mga minahan ng bansa sa nakalipas na taon.
Tumataginting na $30 billion kada taon ang kita sa kalakalan ng jade ng Myanmar.
Bagamat ipinagbabawal ang pagmimina ng Jade sa Hpakant, ilang mga residente doon ang lumalabag dito bunsod ng kawalan ng trabaho at mahirap na buhay na pinalala pa ng COVID-19 pandemic.