-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Umaabot na sa 70 mula sa 146 na mga public schools dito sa lungsod ng Butuan ang nag-shift na mula sa kanilang face-to-face classes patungong modular distance o blended learning dahil sa patuloy na nraransang extreme heat index.
Ayon kay Emilio Makiling, ang disaster risk reduction and management office coordinator ng Department of Education o DepEd-Butuan City Schools Division, maliban sa mataas na heat index, marami pa ang mga estudyante rason na kailangan pa rin nilang hatiin ang pagpasok upang mas magiging conducive to learning sa mga mag-aral ang kanilang mga classrooms.
Nadesisyunan ang pagpapatupad ng blended learning upang makaiwas ang mga mag-aaral mula sa heat stroke kungsaan marami na ang nakaranas ng nose bleeding.