Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda na ang mga police personnel na magbigay ng seguridad sa pagsisimula ng vaccination rollout.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, 70% ng kanilang pwersa ang inatasang magsilbing security escort at isecure ang mga Covid-19 vaccines kasama na ang mga inoculation teams.
Nilinaw naman ni Usana, nakadepende ang actaul number ng deployment ng mga police personnel sa mga vaccination sites.
Siniguro din ng heneral, hindi pababayaan ng PNP ang kanilang misyon na panatilihin ang kanilang misyon tutukan ang kanilang anti-criminality operations, sa kabila ng dagdag na trabaho ng mga pulis lalo na dito sa vaccination rollout.
Una ng inihayag ni PNP chief Gen. Debold Sinas na handa ang PNP sa pagbibigay seguridad sa vaccination rollout.
Bukod sa mga police personnel na magbibigay seguridad sa mga Covid-19 vaccine, idi-deploy din ng PNP ang kanilang medical reserve force para tumulong sa pag-assist sa mga health workers sa pagbibigay ng bakuna sa mga recipients.
Samantala, ayon kay PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nakalatag na ang kanilang plano vaccination rollout.