-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nahihirapan na ang mga overseas Filipino workers (OFW’s) sa Espanya.

Ayon kay Bombo International Correspondent Roland Decena ng Barcelona, Spain na karamihan sa kanila ay nawalan na ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Halos dalawang linggo na umanong naka-lockdown ang buong Espanya.

Kahit aniya wala silang pasok sa pinagtatrabahuhang kompaniya, patuloy pa rin ang kanilang sahod, kung saan, 70 percent ay sagot ng gobyerno ng Spain at ang natitirang 30 percent ay binabayaran ng kanilang employer.

Subalit, nakadepende pa rin sa kanilang kompaniya kung babayaran sila o hindi.

Sinabi pa ni Decena na kahit naka-home quarantine, wala silang problema dahil sapat ang supply ng kanilang pagkain.

Ang tanging inaalala umano nila ay ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas na apektado rin ng lockdown.