-- Advertisements --
Aabot sa 70 katao ang nasawi at mahigit 130 ang nasugatan matapos na tamaan ng airstrike ang detention center sa Yemen.
Ayon sa Doctors Without Borders na kagagawan ng Saudi-led coalition ang airstrike bilang opensiba laban sa mga rebelde sa Yemen.
Tumama rin ang isang airstrike sa telecommunication building sa Hodeidah City na nagdulot ng pagkawala ng internet connection kung saan kasamang nasawi ang tatlong bata.
Tahasang itinuro ng Iran-back Houthi rebels, ang may kontrol ng Yemen, na kagagawan ng Saudi-led coalition ang nasabing strikes.
Nahihirapan naman ang mga international aid group na makakuha ng detalye dahil sa nangyaring kawalan ng internet connection sa lugar.